12/13/06

ang simula...

Nung nakaraang linggo nagsimula ang pagiging single ni Juan.

* * *

Kasalukuyan kasing nasa US ang bantay kong si Balat. Si Balat ang jowa ko for almost 5 years na. At oo may balat nga siya... dun sa ulo ng kanyang birdie, kaya yun ang tawag ko sa kanya...

3 months siya dun kaya naman libreng libre akong tumikim ng ibang putahe sa world market, nyahaha!!!

In fairness, love na love ko si Balat, pero siyempre may pangangailangan din naman ako na kelangan matugunan, e wala siya... hehehehe...

* * *

Kaya, binalikan ko ang mga nakasave na messages ko sa G4M, pinagkukuha ko lahat ng mga cellphone numbers ng mga nakachat ko dun, madami dami din sila... halos maubos ang load ko kakatext ng: musta? *tooooot* here from G4M, remember? wana meet up?

* * *

Kahapon, wala akong pasok, 2 ang naka schedule na EB ko, excited ako kasi matagal tagal ko na din na hindi nagagawa ito... at lalong mas excited ako sa kung anong pwedeng mangyari, ngayon pa na 1 week nang hindi nagagamit ang junior ko hehehe...

* * *

Si Marco ang unang ka eb ko, sa SM North daw kami magkita, tamang tama kasi yung isang ka eb ko e sa SM North din makikipagkita...

Matagal ko nang ka chat si Marco, nakipagpalitan na din ako sa kanya ng face pic, maganda ang katawan, alaga sa gym, gwapo sa pic, 5'4 lang daw siya pero malaki daw ang alaga niya, hindi nga daw bagay sa height niya e, sa isip ko, pwes tingnan natin kung sino ang mas dakila hahaha!

* * *

Putcha kanina pa ako sa Mcdo, wala pa din si marco, text na ako ng text kung asan na siya, wala pa din... mokong na to ah baka na one way ako neto...

napabili tuloy ako ng load para matawagan si gago... tawag ako...

bad trip, pinapalipat na nya ako sa may the block kasi may nakita daw siyang tropa, pakshet kung hindi lang ako nag effort na pumorma e di sana nilayasan ko na to, suot ko pa naman ang favorite ko na polo shirt

pagkatapos ng sandamakmak na text message at tawag, nagkita din kami sa may hypermart... pero parang hindi siya, napag isip tuloy ako baka kakambal? doppelganger kaya ito? naloko ata ako...

may similarity naman siya sa pic na binigay niya saken, magaling lang sigurong umanggulo ang cameraman kaya pang mr universe ang kinalabasan ng pic...

hindi ko type... hindi rin daw type ni junior...

isip... isip... isip... kelangan kong makaeskapo sa mamang ito...

kunwari may nagtext buti naka silent ang phone ko...

"naku bro, sorry kelangan ko nang umalis, may emergency kasi sa office, eto katetext lang, sorry ha, text text na lang"

natawa ako... napaka kindergarden ng excuse ko, siguro na gets din niya kasi hindi nagtext ang lolo mo...

* * *

next, si carlo naman, tisoy, gym goer daw, kaso pinag antay ako ng matagal, 9pm pa daw siya makakadating sa SM North galing siya Makati...

nuninuninu... mukhang mabobokya ako ah... bahala na...

At last nagkita din kami ni Carlo, ok na sana, mabango at malinis, mukha nga lang haggard, nag mrt daw kasi siya, medyo refined kumilos pero maganda katawan at flawless, nginitian ko na may halong libog...

usap... usap... flirt... flirt... ayun, at biglang kailangan na daw niyang umuwi kasi taga Valenzuela pa daw siya... okay sige, bye bye, ingat ka, text text na lang ha... bwisit!

Shet bokya nga... hindi siguro ako type o baka nakarma lang ako?

* * *

mission failed. umuwi si juan ng luhaan. buti na lang anjan si maria.





3 comments:

Ang-ang said...

wow bago itong blog na to d b?

Juan Tamod said...

opo, welcome... pasok lang ng pasok hehehe

theTripper said...

kasi naman po observe the golden rule:)